Ang kuwento ng pandaigdigang baha at ang pagkawasak ng Sodoma at Gomorra ay nakababahala sa marami. Tunay bang lulunurin at susunugin ng Diyos ang daan-daang libong tao dahil naubos na ang Kanyang awa at hindi na mapipigilan ang dumudurog na kamay ng paghatol? Gagawin ba ng isang mapagmahal na Diyos ang ganoong bagay? Para sa marami ito ay isang nakalilitong misteryo.
Marami ang nanunuya o hindi naunawaan ang "walang hanggang ebanghelyo" dahil sa mga mensaheng lumalabas mula sa mga pulpito ng simbahan na naglalarawan sa Diyos bilang isang "don" (boss) ng isang pandaigdigang Mafia na nagpapatakbo ng pangingikil sa mga naninirahan sa mundo upang makatanggap ng pagsamba "Gawin mo ang sinabi ko o papatayin kita!”
Ang tunay na "walang hanggang ebanghelyo" ay hindi ginagamit ng ating Ama sa langit ang banta ng kamatayan para pilitin tayong sumunod. Ang Kanyang batas ay isang transcript/kopya ng Kanyang karakter, at ang Kanyang batas ay nagsasabing "huwag kang papatay." Sa kamatayan sa Krus, inalis ni Kristo ang kasinungalingan na nagbabanta ang Diyos na papatayin ang mga suwail. Inihayag ng Krus na pinababayaan ng Diyos ang mga tumatanggi sa Kanya sa kanilang sariling mga pagpili.
Cebuano: Ang Paglansang kay Kristo sa Krus sa mga adlaw ni Noe ug Lot