Maranatha Media Philippines

Marriage Blessed By Books (Kasal na Pinagpala ng mga Aklat)

Nai-post Oktubre 03, 2024 Mula kay April Chavoso sa Testimonies (Tagalog)
294 Mga Hits

Gusto kulang mag share sa ating lahat kung paano kami pinagpala ng asawa ko nang Mabasa namin ang Original Love by Adrian Ebens, Isa sa aming natutunan lalo na sa aming pagmamahalan ng asawa ko simula nong una kung kita sa kanya. Ay talagang namangha ako lalo na naghahanap at pinagdarasal ko sa Panginoon na ang makapiling ko na maging makasama o maging asawa ko ay isang missionary din kagaya ko. At nong time nayun ay hindi pa namin nabasa ang book na ito at hindi pa namin napag aralan ng malalim kung ano talaga ang ibig sabihin ng Agape Love. At ngayun ay limang taon napo kami mag asawa at hindi maiwasan na marami talagang hindi pagkaintindihan minsan. At may ibat-iba kayung pagkaunawa sa buhay dahil sa mga kinalakihan nyung belief at edukasyon.  At hindi maiwasan minsan pa mag doubt ka kung love nyuba ang isat-isa at humantong minsan sa punto na muntik na kaming maghiwalay dahil sa mga problema at pagsubok na nararanasan namin. 

 

Peru sa tulong ng Panginoon at sa kanyang pagpapaunawa sa amin sa kanyang Agape love sa atin, na sabi nya sa 1John 4:8  He that loveth[agape] not knoweth not God; for God is love[agape]. At ang pag iibigan hindi dahil inibig ka, kaya mo inibig ang isang tao o ang asawa at anak mo ito ay dahil sa Agape love ng Diyos sa atin, at nadaya pala tayu sa Pag-ibig na iniindurso sa sanlibutan ngayun dahil ang pag-ibig na ito ay eros love. Mahal mo lang ang isang tao dahil sa kanyang abilidad, kakayanan, kayamanan, o ano man na makukuha mo sa kanya, at humahantong ito sa pagkadismaya ng karamihan ng mga tao at paghihiwalay ng mga relasyon at hindi tumatagal dahil sa selfish lang na love ang ating binibigay at hindi ang Agape Love ng Diyos sa atin.

 

At Lalo na ng nabasa namin ang kasunod na libro na sinulat ni Danutasan Brown na pinamagatang Devotion for Enoch and Julia, ay halos kapariho namin ang karanasan nila sa before kami nagplanong magsama at magpakasal. Napakagandang inspirasyon din na naibigay sa amin ang storya po nila, nawa ay hindi ang takot at iniisip natin na tayu ay alone kaya gusto natin magkaroon ng partner in life or pag aasawa kundi dahil gusto natin na ipasa sa kanya ang Pag ibig o agape Love ng Panginoon na natanggap natin galling sa Panginoon at hindi talaga. Napakaganda ang tinuturo din sa atin sa storya nila Enoch and Julia patungkol sa Banal na huwaran sa pag aasawa, para hindi hahantung sa pagkadismaya o paghihiwalay at kapahamakan sa atin ang pagsasama ng mag asawa. Kung ang Prinsipyo ng Pag-ibig ng Ama at ang kanyang Bugnong na anak sa pamamagitan ng Pinagmulan at daluyan, ang Pag-aasawa ay magiging pagpapala talaga sa lahat. Pagpalain tayung lahat sa ating pagbabasa sa dalawang Librong Ito na nagbigay inspirasyon din sa amin mag asawa. Godbless!

 

Father Of Love Philippines Facebook Page

 

Clicky